Patakaran sa Privacy
Ang Patakaran na ito sa Pagkapribado ay sumasaklaw sa mga gawain sa impormasyon ng mga website at mga mobile application na kaugnay nitong Patakara sa Pagkapribado, (ang bawat isa ay tinatawag na “Site). Ang kontroler ng datos ng website na ito ay ang Click Boarding, LLC kaninong rehistradong tanggapan ay nasa 7500 FlyingCloud Drive STE #975, Minneapolis, MN, 55344 (“Click”).
Lubos na naniniwala ang Click sa pagprotekta sa iyong pagkapribado at sa pagkakumpidensiyal ng iyong Personal na Impormasyon. Kinikilala namin na maaaring may mga alalahanin ka sa pagkapribado at seguridad kaugnay sa impormasyong kinokolekta, ginagamit, at isinisiwalat namin sa third party para sa layuning pagpayag sa amin na ialok at ibigay ang aming mga produkto at serbisyo sa iyo. Bilang pagsasaalang-alang sa mga alalahaning ito, nabuo namin itong Abiso ng Pagkapribado. Ang personal na impormasyon ay anumang kombinasyon ng impormasyon, na hawak o malamang na mahahawakan ng Click, na pwedeng gamitin upang tukuyin, kontakin, o hanapin ang isang pribadong indibidwal (“Personal na Impormasyon”) at itatrato ayon sa Patakaran sa Pagkapribado na ito. Kabilang dito ang anumang pagpapahayag ng opinyon tungkol sa naturang indibidwal. Ang anumang impormasyon na hindi magagamit sa pagtukoy sa isang pribadong indibidwal (tulad ng pinagsama-samang istatistikal na impormasyon) ay hindi Personal na Impormasyon.
Layunin para sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng personal na impormasyon
Kinokolekta, ginagamit at isinisiwalat ng Click ang iyong Personal na Impormasyon (kabilang ang mga inbidibwal na naiiba sa iyo, lahat ay tinukoy bilang “ikaw/mo/iyo” sa Patakaran ng Pagkapribado na ito) sa normal na takbo ng negosyo para sa sumusunod na mga layunin:
- Pagtatatag at pagpapanatili ng mga komunikasyon sa iyo;
- Pagpapahintulot sa iyo na mag-access sa Click kung saan ikaw ay may legal na karapatang mag-access;
- Kung humiling ka ng isang serbisyo mula sa Click, o nagtanong tungkol sa oportunidad sa trabaho sa Click, tinutulungan ka sa pagkumpleto sa iyong aplikasyon, sa pagtatasa ng iyong pagkakwalipikado ng alinman sa nasabing oportunidad sa trabaho, sa pagproseso at pagmintina sa nakuhang mga serbisyo, pati na rin sa anumang angkop na pag-renew ng nasabing serbisyo;
- Pagtugon sa iyong mga tanong tungkol sa mga oprtunidad sa trabaho, mga onboarding platform, at ibang mga serbisyo;
- Paggawa ng mga mungkahi para sa mga pangangailangan sa serbisyo sa hinaharap;
- Pagpapahintulot sa aming mga kasaping kumpanya na abisuhan ka tungkol sa ilang mga produkto o serbisyo na inalok ng aming mga kasaping kumpanya;
- Pag proseso ng mga transaksyon sa pamamagitan ng mga service provider;
- Pagtugon sa mga kinakailangan sa legal, seguridad, pagproseso, at regulasyon;
- Pagprotekta laban sa pandaraya, kahina-hinala o iba pang ilegal na aktibidad;
- Pagtipon ng mga istatistika para sa pag-aanalisa ng aming mga site at aming negosyo; at
- Ang lahat ng mga kategorya sa itaas ay hindi kinabibilangan ng text messaging originator opt-in data at pag-sang-ayon; ang impormasyon na ito ay hindi ibabahagi sa sinumang mga third party, hindi kabilang ang mga aggregator at mga provider ng Text Message services.
Ang impormasyon na kinokolekta namin
Ang impormasyong nakalap ng Click mula sa Site na ito ay nabibilang sa dalawang kategorya: (1) impormasyon na ibinibigay nang kusa ng aming mga panauhin sa aming Site at (2) impormasyon sa pagsusubaybay na nakalap habang ginagamit ng mga panauhin ang aming Site.
Impormasyong kusang loob mong ibinigay
Kapag gumagamit sa site na ito, maaari mong piliing bigyan kami ng impormasyon upang matulungan kaming maibigay ang iyong mga pangangailangan. Ang Personal na Impormasyon na kinokolekta namin ay magdedepende sa kung paano mo pipiliing gamitin ang Site na ito.
- Kung humihiling ka ng impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo o mga oportunidad sa trabaho
-
- Kung humiling ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo, hinihingi namin sa iyo na isumite mo ang iyong pangalan, e-mail address, at bansa kung saan ka nakabase upang maaari naming maipadala sa iyo ang materyal na hiniling mo, at upang mabigyang-daan kami na matukoy kung aling umiiral na kliyente ng Click ang makapagbibigay-daan sa iyo na ma-access ang Site.
- Kung nagparehistro ka sa amin at/o humiling ng mga serbisyo
-
- Kung magparehistro ka sa Site (halimbawa, sa pamamagitan ng aming “Careers” pages), o humiling ng serbisyong magagamit sa Site, maaari naming hilingin sa iyo ang iyong pangalan, e-mail address, bansa, numero ng telepono, at ang dahilan ng iyong komunikasyon, pati na rin ang impormasyon tungkol sa nauugnay na organisasyon sa iyo at iba pang impormasyon na makatwirang kinakailangan upang maibigay namin sa iyo ang serbisyo. Sa form ng pagsumite ng datos, tutukuyin namin sa paraan ng isang asterisk, ang laing impormasyon ang opsyonal at aling impormasyon ang mandatoryo. Maaaring kabilang sa impormasyong ito ang impormasyon na ibibigay mo sa mga apllication o ibang mga form, na maaaring kabibilangan ng iyong pangalan.
-
- Ang anumang personal na impormasyon na ipapadala mo sa amin ay gagamitin para sa layunin na tinukoy sa Site o sa Patakaran sa Pagkapribado na ito.
-
- Kasunod ng isang pagtatanong kaugnay sa pagtanggap ng mga serbisyo mula sa amin, kung magpasya kang magpatuloy, mangongolekta kami ng Personal na Impormasyon na may kaugnayan sa mga serbisyong iyong hiniling, tulad ng: iyong pangalan, address, post code, numero ng telepono para sa pakikipag-ugnayan, e-mail address, billing address, o mga detalye ng pagbabayad, na nauugnay sa produkto. Gagamitin namin ang iyong Personal na Impormasyon upang mapangasiwaan ang iyong account, maproseso ang mga kahilingan, atbp. at sa pangkalahatan para mapamahalaan ang iyong kaugnayan sa amin.
Impormasyon sa Pag-navigate sa Website
Habang nagna-navigate ka sa Site, maaari rin kaming mangolekta ng impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga karaniwang ginagamit na kasangkapan sa pangangalap ng impormasyon, tulad ng mga web beacon (sama-sama “Impormasyon sa Pag-navigate sa Website”). Kasama sa Impormasyon sa Pag-navigate sa Website ang karaniwang impormasyon mula sa iyong web browser (tulad ng uri ng browser at wika ng browser), ang iyong Internet Protocol (IP) address, at ang mga aksyon na gagawin mo sa Site (tulad ng mga web page na tiningnan at ang mga link na na-click).
Tulad ng maraming kumpanya, maaari kang gagamit ng cookies sa Site na ito. Ang cookies ay mga piraso ng impormasyon na ibinabahagi sa pagitan ng iyong web browser at ng isang website. Ang paggamit ng cookies ay nagpapahintulot sa mas mabilis at mas madaling karanasan para sa user. Ang cookie ay hindi makakabasa sa datos mula sa hard drive ng iyong computer.
May iba’t ibang uri ng cookies na may iba’t ibang trabaho:
- (i) Cookies ng sesyon: ang mga ito ay naiimbak lang sa iyong computer sa panahon ng iyong sesyon sa web. Ang mga ito ay awtomatik na mabubura kapag isinara ang browser. Karaniwang iniimbak nila ang isang anonymous na ID ng sesyon na nagpapahintulot sa iyo na mag-browse sa website nang hindi na magla-log in sa bawat pahina. Hindi nangongolekta ang mga ito ng anumang impormasyon mula sa iyong computer.
- (ii) Namamalaging cookies: ang isang namamalaging cookie ay isang cookie na naiimbak bilang isang files sa iyong computer, at nananatili ito doon kapag isinara mo ang iyong web browser. Mababasa ang cookie ng website na lumikha nito kapag bumisita kang muli sa website na iyon.
- (iii) First-party cookies: ang gawain nitong uri ng cookie ay panatilihin ang iyong mga kagustuhan para sa isang partikular na website para sa entity na nagmamay-ari ng website. Nakaimbak ang mga ito at ipinapadala sa pagitan ng mga server ng Click at sa hard drive ng iyong computer. Hindi ginagamit ang mga ito para sa anumang ibang bagay kaysa personalisasyon na itinakda mo. Ang cookies na ito ay maaaring alinman sa Sesyon o Namamalaging cookies.
- (iv) Third-party cookies: ang gawain ng ganitong uri ng cookie ay panatilihin ang iyong interaksyon sa isang partikular na website dahil hindi pag-aari ng entity ang website na iyon. Nakaimbak ang mga ito at ipinapadala sa pagitan ng server ng Third party at sa iyong hard drive. Ang cookies na mga ito ay karaniwang Namamalaging cookies.
Maliban sa inilarawan dito sa Patakaran sa Pagkapribago, hindi kami gumagamit ng third-party cookies sa aming Site, bagaman gumagamit kami ng web beacons na ibinibigay ng third party (tingnan ang seksyon na WebBeacons sa ibaba).
Ang Site na ito ay gumagamit ng Google Analytics, isang web analytics service na ibinibigay ng Google, Inc. (“Google”). Ang Google Analytics ay gumagamit ng cookies upang makatulong sa website na maanalisa kung paano ginagamit ng mga user ang site. Ang impormasyon na makukuha ng cookie sa tungkol sa paggamit mo sa website (kabilang ang iyong IP address) ay ipapadala sa at iiimbak sa mga Google onserver sa Estados Unidos. Gagamitin ng Google ang impormasyon na ito para sa layunin ng pagtasa sa iyong paggamit sa website, pag-compile sa mga report sa aktibidad ng website, at pagbibigay ng ibang mga serbisyo kaugnay ng aktibidad ng website at paggamit ng internet para sa Click at sa mga kasapi nito. Maaari ring ilipat ng Google ang impormasyon na ito sa mga third party kung saan inuutusan ng batas, o kung saan pinoproseso ng mga third party ang impormasyon sa ngalan ng Google. Maaari kang tumanggi sa paggamit ng cookies sa pamamagitan ng pagpili sa angkop na settings sa iyong browser, gayunpaman, pakitandaan na kung gagawin mo ito maaaring hindi mo magagamit ang kumpletong functionality ng website na ito. Sa paggamit sa website na ito, pumapayag ka sa pagproseso ng Google sa datos tungkol sa iyo sa paraan at para sa mga layunin na itinatakda sa itaas.
Ang malalaking browser ay sumubok na ipatupad ang draft na “Do Not Track” (“DNT”) standard ng World Wide Web Consortium (“W3C”) sa kanilang pinakabagong mga release. Dahil ang standard na ito ay hindi pa naisapinal, ang mga Site ng Click ay hindi compatible sa DNT at hindi kinikilala ang DNT settings.
Para sa impormasyon tungkol sa lahat ng mga kategoryang ito ng cookies, at para sa pangkalahatang dagdag na impormasyon tungkol sa cookies, pakitingnan ang aboutcookies.org.
Gumagamit kami ng cookies para sa sumusunod na mga layunin:
- Kung mahigpit na kinakailangan
-
- Ang cookies na ito mahalaga upang mapahintulutan ka na gumagala-gala sa Site at gamitin ang mga feature nito, tulad ng pag-access sa secure na mga bahagi ng Site. Kung wala ang cookies na mga ito, ang mga serbisyong hinihingi mo, tulad ng pagkuha ng quote o sa pag-log in iyong account, ay hindi maibibigay. Ang cookies na mga ito ay hindi nangangalap ng impormasyon tungkol sa iyo na maaaring gamitin para sa pagbebenta o sa pagtanda kung saan ka galing sa internet.
- Performance
-
- Ang cookies na mga ito ay kumokolekta ng impormasyon sa kung paano ginagamit ng mga panauhin ang Site, halimbawa, kung aling mga pahina ang pinakamadalas na pinupuntahan ng mga panauhin, at kung nakakatanggap sila ng mga mensahe ng error mula sa mga web page. Nagpapahintulot din ito sa amin na itala at bilangin ang numero ng mga panauhin sa Site, ang lahat ay nagpapahinutlot sa amin na makita kung paano ginagamit ng mga panauhin ang Site upang mas mapahusay ang paraan ng paggana ng Site. Ang cookies na ito ay hindi nangongolekta ng impormasyon na nakakatukoy sa isang tao, dahil ang lahat ng impormasyon na kinokolekta ng cookies na ito ay walang pagkakakilanlan at ginagamit para mas pahusayin kung paano gumagana ang Site.
- Functionality
-
- Ang cookies na ito ay angpapahintulot sa aming site na tandaan ang mga pagpiling ginawa mo (tulad ng iyong user name, wika at rehiyon na kinaroroonan mo) at magbigay ng pinagandang mga feature. Halimbawa, maaaring matatandaan ng isang site ang iyong log in details, upang hindi mo na kailangang paulit-ulit na mag-sign in sa iyong account kapag gumagamit ng partikular na device upang i-access ang aming Site. Ang cookies na mga ito ay maaari ring gamitin upang tandaan ang mga pagbabagong ginawa mo sa sukat ng text, font at ibang parte ng mga weg page na isinapersonal mo. Maaari ring gamitin ang mga ito upang maibigay ang mga serbisyo na hiniling mo tulad ng pagtingin sa video o pagkomento sa isang artikulo. Ang impormasyon na kinokolekta ng mga cookie na ito ay karaniwang tinatanggalan ng pagkakakilanlan. Hindi nangangalap ang mga ito ng anumang impormasyon tungkol sa iyo na maaaring gamitin para sa advertising o upang tandaan kung saan ka nanggaling sa internet.
Pakikonsulta ang dokumentasyon ng ‘Help’ sa iyong web browser o bisitahin ang aboutcookies.org [hyperlink]. para sa karagdagang impormasyon tungkol sa kung paano i-on at i-off ang cookies para sa iyong browser.
- Ang cookies na ito ay angpapahintulot sa aming site na tandaan ang mga pagpiling ginawa mo (tulad ng iyong user name, wika at rehiyon na kinaroroonan mo) at magbigay ng pinagandang mga feature. Halimbawa, maaaring matatandaan ng isang site ang iyong log in details, upang hindi mo na kailangang paulit-ulit na mag-sign in sa iyong account kapag gumagamit ng partikular na device upang i-access ang aming Site. Ang cookies na mga ito ay maaari ring gamitin upang tandaan ang mga pagbabagong ginawa mo sa sukat ng text, font at ibang parte ng mga weg page na isinapersonal mo. Maaari ring gamitin ang mga ito upang maibigay ang mga serbisyo na hiniling mo tulad ng pagtingin sa video o pagkomento sa isang artikulo. Ang impormasyon na kinokolekta ng mga cookie na ito ay karaniwang tinatanggalan ng pagkakakilanlan. Hindi nangangalap ang mga ito ng anumang impormasyon tungkol sa iyo na maaaring gamitin para sa advertising o upang tandaan kung saan ka nanggaling sa internet.
- Mga Web Beacon
-
- Ang Site ay maaari ring gumamit ng mga web beacon (kabilang ang mga web beacon na ibinibigay o ibinigay ng mga ikatlong partido) lamang upang makapagtipon ng impormasyon tungkol sa paggamit ng mga user ng Site at pakikipag-ugnayan sa mga e-mail mula sa Click. Ang mga web beacon ay malinaw na mga elektronikong larawan na maaaring makakilala ng ilang uri ng impormasyon sa iyong computer, gaya ng cookies, kapag tiningnan mo ang isang partikular na Site na naka-ugnay sa web beacon, at isang paglalarawan ng isang Site na naka-ugnay sa web beacon. Gumagamit kami ng mga web beacon upang mapatakbo at mapahusay ang Site at ang mga komunikasyon sa e-mail. Maaari kaming gumamit ng impormasyon mula sa mga web beacon kasama ng iba pang datos na mayroon kami tungkol sa aming mga kliyente upang mabigyan ka ng impormasyon tungkol sa Click at sa aming mga serbisyo. Isasagawa namin ang pagsusuring ito sa isang hindi natanggalan ng pagkakakilanlan na batayan.
- Mga IP Address
-
- Kapag binisita mo ang aming mga Site, kinokolekta ng Click ang iyong mga Internet Protocol (IP) address upang masubaybayan at mapagsama-sama ang hindi Personal na Impormasyon. Halimbawa, ang Click ay gumagamit ng mga IP address upang masubaybayan ang mga rehiyon kung saan nag-navigate ang mga gumagamit sa mga Site. Iiimbak ang mga IP ddress sa paraan na hindi ka matutukoy mula sa IP address.
Mga Karapatan sa Pagkapribado sa California
Ang California Civil CodeSection 1798.83 ay nag-uutos sa sinumang operator ng isang website na payagan ang mga kostumer nito na naninirahan sa California na humiling at makakuha mula sa operator ng isang talaan ng kung anong personal na impormasyon ang isiniwalat ng operator sa mga third party para sa mga layunin ng directmarketing, para sa naunang taon ng kalendaryo, at mga address at mga pangalan ng nasabing mga third party. Hindi ibinabahagi ng Click ang anumang personal na impormasyon na nakolekta mula sa site na ito sa mga thir party para sa mga layunin ng kanilang direct marketing.
Pagsang-ayon
Ang iyong kaalaman sa at pagsang-ayon sa pagkolekta, paggamit at pagsisiwalat ng Click sa iyong Personal na Impormasyon ay mahalaga. Umaasa kami sa sumusunod na mga aksyon mo bilang iyong pagsang-ayon sa aming mga gawain sa Personal na Impormasyon sa kasalukuyan at sa hinaharap:
- Ang iyong kusang-loob ng pagbibigay ng Personal na Impormasyon diretso sa amin;
- Iyong ipinahayag na pagsang-ayon o pagtanggap sa nilalaman sa loob ng isang nakasulat, pasalita o eletronic na proseso ng aplikasyon o mga paghahabol; at
- Iyong pasalitang pagsang-ayon na hiningi ng Click (o ng aming agent) para sa tinukoy na layunin.
Kung saan umaasa ang Click sa pagsang-ayon para sa patas at naaayon sa batas na pagproseso ng Personal na Impormasyon, ang oportunidad na sumang-ayon ay ibibigay kapag nakolekta ang nasabing Personal na Impormasyon. Ang iyong pagsang-ayon ay pwedeng ibigay sa pamamagitan ng iyong awtorisadong kinatawan tulad ng legal na guardian, agent o may hawak ng power of attorney.
Mayroong mga server at ibang mga pasilidad ng storage ang Click sa Estados Unidos. Bilang resulta ng iyong paggamit sa site, ang iyong Personal na Impormasyon ay maaaring gamitin o itatabi sa Estados Unidos. Sa paggamit sa Site, apirmado kang pumapayag sa pagproseso ng iyong Personal na Impormasyon sa isang bansa na maaaring hindi kapareho ang antas ng proteksyon sa pagkapribado sa bansang tinitirhan mo. Kung babawiin mo ang iyong pagsang-ayon, pumapayag ka na hindi mo gagamitin o bisitahin ang Site kasunod ng iyong pagbawi sa nasabing pagsang-ayon.
Nasa ilalim ng ilang legal o kontraktwal na mga limitasyon at makatwirang abiso, maaari mong bawiin ang iyong pagsang-ayon anumang oras. Sasabihan ka ng Click tungkol sa mga resulta ng pagbawi ng iyong pagsang-ayon. Sa ilang sitwasyon, ang pagtanggi na magbigay ng partikular na Personal na Impormasyon o pagbawi ng pagsang-ayon para kolektahin, gamitin o isiwalat ng Click ang iyong Personal na Impormasyon ay mangangahulugan na hindi namin maibibigay ang hiniling na mga serbisyo o impormasyon para sa iyo.
Kung gusto mong bawiin ang iyong pagsang-ayon, pakibasahin ang seksyon ng Mga Tanong o Pagbawi sa Pagsang-ayon sa ibaba.
Gayunpaman, mayroong bilang ng mga sitwasyon kung saan hindi kinakailangan ng Click ang iyong pagsang-ayon na makisali sa pagproseso o pagsisiwalat ng Personal na Impormasyon. Hindi maaaring hihingin ng Click ang iyong pagsang-ayon para sa pagproseso o paglilipat ng Personal na Impormasyon para sa mga layunin na may basehan sa batas, tulad ng:
- Ang pagpapadala o pagproseso ay kailangang para sa pagganap ng isang kontrata sa pagitan mo at ng Click (o isa sa mga kasapi nito);
- Ang pagpapadala o pagproseso ay kailangan para sa pagganap ng isang kontrata, isnapinal sa iyong kapakanan, sa pagitan ng Click (o isa sa mga kasapi nito) at isang third party;
- Ang pagpapadala o pagproseso ay kailangan, o hinihingi ng batas, sa mahalagang basehan na kapakanan ng publik, para sa pagpapatibay, paggamit, o depensa sa legal na mga paghahabol, o upang protektahan ang iyong mahalagang mga interes; o
- Ang pagpapadala o pagproseso ay iniuutos ng may kaugnayang batas.
Paglimita sa pagkolekta at pagpapanatili ng personal na impormasyon
Kokolektahin, gagamitin, o isisiwalat ng Click ang Personal na Impormasyon na kailangan para sa Natuloy na mga Layunin o ayon sa pinapayagan ng batas. Kung kakailanganin namin ang Personal na Impormasyon para sa anumang iba pang layunin, aabisuhan ka tungkol sa bagong layunin, at depende sa iyong pagsang-ayon (kung angkop), ang bagong layunin na iyon ay magiging Natukoy na Layunin.
Kokolektahin ng Click ang Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng patas at naaayon sa batas na mga paraan. Karaniwan naming pananatilhin ang Personal na Impormasyon hangga’t kinakailangan para sa pagtupad sa mga Natukoy na Layunin. Gayunpaman, ang ilang Personal na Impormasyon ay maaaring mapanatili sa mas mahabang panahon ayon sa hinihingi ng batas, kontrata, o mga kinakailangan sa pag-audit.
Mga Proteksyon
Mayroon kaming mga pisikal, elektroniko, at pamamaraan na mga proteksyon na angkop sa pagiging sensitibo ng impormasyong pinapanatili namin. Mag-iiba-iba ang mga proteksyon depende sa pagkasensitibo, pormat, lokasyon, halaga, pamamahagi, at pag-imbak ng Personal na Impormasyon. Kasama sa mga ito ang pisikal, teknikal, at mga hakbang sa pamamahala upang mapanatili na protektado ang Personal na Impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access. Kabilang sa mga naturang proteksyon ang pag-encrypt sa mga komunikasyon sa pamamagitan ng SSL, pag-encrypt sa impormasyon habang ito ay nasa imbakan, mga firewall, mga kontrol sa pag-access, paghihiwalay ng mga tungkulin, at mga katulad na protokol ng seguridad. Gayunpaman, dahil sa likas na katangian ng Internet at kaugnay na teknolohiya, hindi namin ganap na magagarantiya ang seguridad ng Personal na Impormasyon, at hayagang itinatanggi ng Click ang anumang ganoong obligasyon.
Mga Panlabas na Link
Ang Site ng Click ay maaaring kabilangan ng mga link sa iba pang mga website na hindi namin kontrol ang mga patakaran sa pagkapribado. Kapag umalis ka sa aming mga server (masasabi mo kung nasaan ka sa pamamagitan ng pagsuri sa URL sa bar ng lokasyon sa iyong web browser), ang paggamit ng anumang Personal na Impormasyong ibibigay mo ay pinamamahalaan ng patakaran sa pagkapribado ng operator ng website na iyong binibisita. Maaaring iba ang patakarang iyon sa amin. Kung hindi mo mahanap ang patakaran sa pagkapribado ng alinman sa mga website na ito sa pamamagitan ng isang link mula sa homepage ng website, dapat kang direktang makipag-ugnayan sa website para sa higit pang impormasyon.
Pagiging tumpak, pananagutan, pagiging bukas at access sa kostumers
Ang pagkakaalam namin tungkol sa mga pagbabago sa ilan sa iyong Personal na Impormasyon (hal. email address) ay maaaring susi sa mabisang pakikipag-usap sa iyo sa iyong kahilingan. Kung ang alinman sa iyong mga detalye ay magbabago pwede mo kaming i-update sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa admin@clickboarding.com. Mangyaring sabihin sa amin ang anumang mga pagbabago sa iyong Personal na Impormasyon.
May karapatan ka na mag-access sa iyong Personal na Impormasyon at hilingin ang pagtutuwid sa anumang Personal na Impormasyon sa file na maaaring luma, hindi kumpleto o hindi tama. Gayunpaman, upang ma-secure ang iyong Personal na Impormasyon, hindi nagbibigay ang Click ng online access sa mga kostumer nito upang tignan o baguhin ang Personal na Impormasyon sa database nito.
Mga tanong o upang bawiin ang pagsang-ayon
Maaari mong gamitin ang iyong karapatan na bawiin ang iyong pagpayag sa mailalapat na mga paggamit o pagsisiwalat ng iyong Personal na Impormasyon (na maaaring maglilimita o magpapahinto sa mga produkto at serbisyo na ibinibigay ng Click sa iyo) sa pamamagitan ng pagsulat o pag-email sa amin sa:
Kailangan naming i-validate ang katauhan ng sinuman na gumagawa ng nasabing hiling upang matiyak na hindi namin ibinibigay ang iyong impormasyon kaninuman na walang karapatan sa nasabing impormasyon. Karaniwang tumutugon kami sa mga hiling ng pag-access sa loob ng 30 araw.
Mga Pagbabago sa Patakaran sa Pagkapribado na ito
Kung may anumang mahalagang pagbabago sa iyong mga karapatan sa ilalim ng Patakaran sa Pagkapribado na ito, magbibigay ang Click sa iyo ng abiso sa nasabing pagbabago 30 araw bago pasisimulan ang mga pagbabago. Bilang bahagi ng abiso na ito, ang Click ay maaari ring mag-post ng abiso sa pagbabago sa site sa isang malinaw at kapansin-pansin na paraan sa loob ng 30 araw na panahon ng abiso. Maaari ring sabihin ng Click ang pagbabago sa pamamagitan ng email o sulat sa koreo kung ito ang paraan na karaniwang nakikipag-ugnay sa iyo ang March. Pakitandaan na ang iyong patuloy na paggamit sa Site o mga Serbisyo kapag natapos na ang 30 araw na panahon na ito ay nagpapahiwatig ng iyong pagpayag sa mga pagbabago na paksa ng abiso na ito.